Mula sa 27 nitong Sabado ay umakyat na sa 36 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 dito sa Bataan, Linggo ng hapon.
Ito ang kinumpirma ngayon ni Bataan Governor Abet Garcia base sa huling ulat ng Provincial Health Office o PHO.
“Isang 32 taong gulang na babae mula sa bayan ng Hermosa, dalawang 32 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga, isang 30 taong gulang na babae mula sa Orion, isang 31 taong gulang na babae mula sa Balanga, isang 34 taong gulang na babae mula sa Balanga, isang 19 na taong gulang na lalaki mula sa Samal, isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Limay, at isang 45 taong gulang na lalaki mula sa Orani ang kasalukuyang ginagamot sa isang hospital sa ating lalawigan,” pahayag ng Gobernador.
As of 12:55 pm, April 12, 2020, sampu ang naka-recover na at tatapusin na lamang aniya ang Post Discharged Quarantine.
Samantala, ang bilang ng mga PUM ay umabot na sa 2,622; ang mild PUI ay 824; moderate to severe PUI ay 221; at tatlo naman ang naiulat na pumanaw na.
“Patuloy ko pong hinihiling ang inyong kooperasyon at pagsunod sa patakaran ng ECQ na manatili sa ating mga tahanan at kung may mahalagang dahilan ang paglabas ng tahanan, gawin ang social distancing.
Sa ating pagtutulungan, pagmamalasakitan, pag-uunawaan at sa awa at gabay ng ating Panginoon, mapagtatagumpayan natin ang mabigat na pagsubok na ito,” dagdag pa ni Gov. Garcia.