Palayan namahagi ng PPEs sa Cabanatuan, San Jose

LUNGSOD NG CABANATUAN (PIA) — Nakatanggap ng mga kahung-kahong Personal Protective Equipment o PPEs ang mga pamahalaang lungsod ng Cabanatuan at San Jose mula sa Palayan. 

Ayon kay Cabanatuan City Vice Mayor Julius Cesar Vergara, ipinagpapasalamat ng lokalidad ang mga natanggap na kagamitan at inisyatibong pagtulong ng pamahalaang lungsod ng Palayan sa pangunguna ni Mayor Adrianne Mae Cuevas.

Maliban sa Cabanatuan ay tumanggap din ng mga PPEs ang lungsod ng San Jose na nagpapaabot din ng pasasalamat sa kapwa pamahalaang siyudad sa lalawigan.

Ayon sa social media post ni San Jose City Mayor Mario Salvador ay kanilang natanggap ang 200 pirasong disposable coverall, 240 pirasong face shield, dalawang libong pirasong bouffant cap, 400 pirasong shoe cover, at 2,500 piraso ng face mask. 

Mayroon ding kasamang tig-40 galon ng alcohol at bleach na magagamit at malaking kapakinabangan para sa mga frontline workers ng lungsod. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews