LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE (PIA) — Mahigit 200 sari-sari store owner na apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine o ECQ ang nabigyan ng ayuda sa pamamagitan ng programang “Tindahan ni Maria.”
Ayon kay San Jose del Monte Lone District Representative Rida Robes, malaking epekto sa mga sari-sari store owner ang ECQ dahil sa nawalan na ito ng paninda at naubusan ng puhunan.
Anya, mula sa kanyang dalawang buwan suweldo sa Kongreso kanyang binigyan ng tig 3,000 pisong cash at grocery items ang mahigit sa 200 sari-sari stores sa 59 na barangay sa lungsod.
Naniniwala ang mambabatas na sa pamamagitan ng mga ibinigay na ayuda ay muling makakabangon at mapapalago ng mga ito ang kanilang sari-sari stores at posible pa umano itong madagdagan ang mga nabigyang tindahan para makapagsimula na muli ng kanilang negosyo.