LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga (PIA) — May 487,115 mahihirap na pamilya sa Gitnang Luzon ang tumanggap na ng ayuda sa ilalim ng Emergency Subsidy Program o ESP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ang naturang financial assistance ay bahagi ng Social Amelioration Program o SAP ng pambansang pamahalaan alinsunod sa Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act.
Ayon kay DSWD Regional Director Marites Maristela, nagkakahalaga ang ayuda ng 6,500 piso para sa bawat mahirap na pamilya. Ito ay binatay sa umiiral na minimum wage sa rehiyon.
As of April 26, may 3,166,247,500 piso na ang kabuuang halaga na naipamahagi sa pitong lalawigan.
Sa Aurora, 17,730 pamilya ang nakatanggap ng ayuda. Sila ay mula sa mga bayan ng Dingalan (4,561 pamilya), Dilasag (1,489 pamilya), San Luis (1,683 pamilya), Baler (2,767 pamilya), Maria Aurora (2,279 pamilya), Casiguran (981 pamilya), Dinalungan (1,776 pamilya) at Dipaculao (2,194).
Sa Bataan, 4,631 pamilya na ang napagkalooban. Sila ay mula sa Pilar (1,135 pamilya), Hermosa (1,744 pamilya), Limay (132 pamilya), Mariveles (293 pamilya), at Orani (1,327 pamilya).
Sa Bulacan, 183,724 pamilya na ang nabenepisyuhan. Sila ay mula sa Pandi (8,857 pamilya), Paombong (3,054 pamilya), Baliuag (15,934 pamilya), Doña Remedios Trinidad (1,096 pamilya), lungsod ng Malolos (17,065 pamilya), San Miguel (16,973 pamilya), San Rafael (9,021 pamilya), lungsod ng San Jose del Monte (16,683 pamilya), Marilao (1,664 pamilya), Angat (5,648 pamilya), Bustos (4,339 pamilya), Bulakan (5,696 pamilya), San Ildefonso (2,669 pamilya), Guiguinto (4,291 pamilya), lungsod ng Meycauayan (2,345 pamilya), Hagonoy (9,169 pamilya), Plaridel (10,714 pamilya), Bocaue (5,092 pamilya), Sta. Maria (12,363 pamilya), Pulilan (8,082 pamilya), Balagtas (8,507 pamilya), Calumpit (9,625 pamilya), Norzagaray (3,520 pamilya), at Obando (1,317 pamilya).
Sa Nueva Ecija, 142,043 pamilya na ang nabahagian. Sila ay mula sa Licab (2,467 pamilya), Zaragoza (8,900 pamilya), Talavera (8,404 pamilya), San Antonio (9,803 pamilya), Pantabangan (1,986 pamilya), Carranglan (1,713 pamilya), Laur (509 pamilya), lungsod ng Gapan (2,741 pamilya), lungsod Agham ng Muñoz (9,779 pamilya), lungsod ng San Jose (16,153 pamilya), lungsod ng Cabanatuan (10,133 pamilya), General Natividad (7,410 pamilya), Talugtug (3,593 pamilya), Bongabon (336 pamilya), Lupao (7,153 pamilya), Quezon (2,276 pamilya), Llanera (1,465 pamilya), Nampicuan (437 pamilya), Peñaranda (1,929 pamilya), Jaen (10,359 pamilya), Rizal (1,125 pamilya), lungsod ng Palayan (1,534 pamilya), Guimba (1,452 pamilya), General Tinio (2,941 pamilya), San Leonardo (11,738 pamilya), Cuyapo (5,580 pamilya), Cabiao (5,146 pamilya), San Isidro (3,387 pamilya) at Sta. Rosa (1,594 pamilya).
Sa Pampanga, 78,323 pamilya na ang nakatanggap ng kanilang subsidiya. Sila ay mula sa lungsod ng San Fernando (5,446), Candaba (6,046 pamilya), Lubao (10,511 pamilya), lungsod ng Mabalacat (2,161 pamilya), Sta. Rita (2,175), Bacolor (1,033 pamilya), Mexico (6,939 pamilya), Floridablanca (1,536 pamilya), San Simon (3,087 pamilya), Macabebe (2,304 pamilya), Apalit (315 pamilya), Porac (3,742 pamilya), Minalin (4,853 pamilya), Sta. Ana (3,303 pamilya), San Luis (4,913 pamilya), Arayat (7,462 pamilya), Masantol (998 pamilya), Guagua (9,155 pamilya), at Magalang (2,344 pamilya).
Sa Tarlac, 49,062 pamilya na ang nakakuha na ng naturang tulong. Sila ay mula sa Ramos (1,302 pamilya), San Clemente (1,086 pamilya), San Jose (2,252 pamilya), Pura (1,414 pamilya), Anao (1,002 pamilya), Mayantoc (1,892 pamilya), lungsod ng Tarlac (10,470 pamilya), Capas (2,673 pamilya), Gerona (1,753 pamilya), Bamban (4,181 pamilya), Moncada (5,929 pamilya), San Manuel (1,512 pamilya), Camiling (286 pamilya), La Paz (2,560 pamilya), Victoria (561 pamilya), Concepcion (541 pamilya), Paniqui (8,624 pamilya), at Sta. Ignacia (1,024 pamilya).
At panghuli sa Zambales, may 11,602 pamilya na ang naambunan ng ESP. Sila ay mula sa San Narciso (87 pamilya), San Antonio (900 pamilya), Masinloc (1,964 pamilya), Subic (619 pamilya), Castillejos (1,556 pamilya), lungsod ng Olongapo (6,384 pamilya), at Palauig (92 pamilya).
Paliwanag ni Maristela, ang mga pamilyang nakatanggap ng ESP ay kabilang sa impormal na sektor na walang pinagkakakitaan dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.
Sila rin ay may miyembrong kabilang sa alin mang bulnerableng sektor- senior citizens, persons with disability, buntis, solo parents, katutubo, homeless citizens, distress at repatriated Overseas Filipino Workers, magsasaka, mangingisda, self-employed, informal settlers at yung mga informal workers gaya ng drivers, kasambahay, construction workers, labandera at manikurista.
Bukod sa DSWD, may ayuda din sa ilalim ng SAP ang ibang ahensya tulad ng Department of Labor and Employment at Department of Agriculture.