300K food packs naihatid na ng Kapitolyo sa mga Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS — Umabot na sa mahigit 300,000 food packs ang naipamahagi ng pamahalaang panlalawigan sa mga pamilyang Bulakenyo.

Ayon sa talaan ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO, 275,475 food packs na ang nakarating sa iba’t ibang bayan hanggang noong Mayo 3.

May karagdagan 3,170 food packs ang naipamahagi pa sa barangay Muzon at Pabahay sa lungsod ng San Jose del Monte noong Mayo 4 at 40,799 relief goods naman ang hinatid kahapon sa mga residente ng bayan ng Pandi.

Sa talaan ng PSWDO, kasama sa hinatiran ng tulong ang mga benepisaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program at iba’t ibang sektor tulad ng mga katutubong Dumagat, mga kasapi ng jeepney operators at driver’s association Muslim community at maging ang mga pasyente sa ospital.

Mayroon din 2,845 na kabang bigas ang naipagkaloob sa 569 barangay. 

Iba pa rito ang 50 kaban na ipinadala ng Kapitolyo sa 21 munisipyo at 3 siyudad upang makatulong sa pamamahagi ng rasyon na mga pagkain.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Gobernador Daniel Fernando sa lahat ng mga organisasyon tumulong at nag ambag ng donasyon.

Sinisiguro niya na makararating sa mga Bulakenyo ang donasyong natanggap. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews