Beef menus tampok sa Kusina sa Barangay Alion, Mariveles

Iba’t ibang putahe naman ng baka o beef ang matitikman ng mga residente ng Barangay Alion, Mariveles, Bataan mula sa kanilang “kusina sa barangay.”

Ayon kay Alion Punong Barangay Marcialito “Al” Balan, bahagi ito ng mga dumadagsang tulong at donasyon mula sa kanyang mga supporters at kaibigan kabilang na ang France Ambassador to the Philippines na si Nicolas Galey. 

Beef steak, beef oxtail kare-kare, beef caldereta, papaitan, beef tapa at iba pang lutong ulam na ang pangunahing sangkap ay karneng baka ang sinimulang ihain sa loob ng isang linggo para sa mga residente ng Barangay Alion. 

“Bawat araw po ay iba’t ibang luto ng baka ang ihahain natin para sa ating mga kabarangay. Natapos na tayo ng pamamahagi ng mga de lata, bigas, isda at ngayon naman po baka para maiba naman at makatulong sa pamatid gutom para sa ating mga kababayan na labis na naapektuhan ng ECQ na ito,” pahayag ni PB Balan. 

Simula nang mag umpisa ang ECQ sa Bataan ay walang tigil ang biyaya at ayuda sa mga taga Alion kagaya ng bigas, manok, frozen foods, noodles at iba pang relief goods. 

Habang ang ilang barangay ay hindi man lamang nasundan ang mga naunang mga tulong, sa Barangay Alion ay umabot na ngayong Biernes ng ika-37 wave ang ayuda sa mga mamamayan dito. 

Patuloy naman ang panawagan ni Kap Al sa kanyang mga kabarangay na sundin lamang ang mga stay home instruction at ECQ protocols ng gobyerno at sila na aniya, katuwang ang provincial government, LGU

Mariveles at kanyang mga private partners sa pagtulong sa mga mamamayan ng Barangay Alion. 

Tiniyak din ni PB Al Balan na isa ang kanyang barangay sa mabibiyaan ng ayuda na manggagaling mula sa French Government. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews