Mga tumanggap ng DSWD Emergency Subsidy, 1.45M pamilya na

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — May 1,458,104 mahihirap na pamilya sa Gitnang Luzon ang tumanggap na ng ayuda sa ilalim ng Emergency Subsidy Program o ESP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ito ay 96.19 porsyento na ng kabuuang target na 1,515,847 pamilyang hindi benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa rehiyon. 

Ang naturang financial assistance ay bahagi ng Social Amelioration Program o SAP ng pambansang pamahalaan alinsunod sa Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act. 

Ayon kay DSWD Regional Director Marites Maristela, nagkakahalaga ang ayuda ng 6,500 piso para sa bawat mahirap na pamilya. Ito ay binatay sa umiiral na minimum wage sa rehiyon.

As of 7:00PM ng May 13, 9,477,676,000 piso na ang kabuuang halaga na naipamahagi sa pitong lalawigan. 

Sa Aurora, 40,397 o 99% ng kabuuang target na pamilya ang nakatanggap ng ayuda. Sila ay mula sa Baler (8,125 pamilya), Casiguran (4,280 pamilya), Dilasag (2,689 pamilya), Dinalungan (1,937 pamilya), Dingalan (5,013 pamilya), Dipaculao (5,647 pamilya), Maria Aurora (7,745 pamilya) at San Luis (4,961 pamilya).

Sa Bataan, 90,823 o 94% ng kabuuang target na pamilya na ang napagkalooban. Sila ay mula Abucay (5,137 pamilya), Bagac (2,728 pamilya), lungsod ng Balanga (13,133 pamilya), Dinalupihan (12,925 pamilya), Hermosa (7,803 pamilya), Limay (8,760 pamilya), Mariveles (12,538 pamilya), Morong (3,190 pamilya), Orani (8,301 pamilya), Orion (6,824 pamilya), Pilar (5,363 pamilya) at Samal (4,121 pamilya).

Sa Bulacan, 388,820 o 98% ng kabuuang target na pamilya na ang nabenepisyuhan. Sila ay mula sa Angat (7,000 pamilya), Balagtas (8,800 pamilya), Baliuag (19,400 pamilya), Bocaue (14,500 pamilya), Bulakan (9,100 pamilya), Bustos (8,000 pamilya), Calumpit (13,200 pamilya), Dona Remedios Trinidad (1,300 pamilya), Guiguinto (12,600 pamilya), Hagonoy (15,190 pamilya), lungsod ng Malolos (32,500 pamilya), Marilao (28,837 pamilya), lungsod ng Meycauayan (25,907 pamilya), Norzagaray (12,200 pamilya), Obando (7,600 pamilya), Pandi (8,857 pamilya), Paombong (6,100 pamilya), Plaridel (13,854 pamilya), Pulilan (11,900 pamilya), San Ildefonso (12,081 pamilya), lungsod ng San Jose del Monte (60,194 pamilya), San Miguel (17,000 pamilya), San Rafael (11,300 pamilya), at Sta. Maria (31,400 pamilya).

Sa Nueva Ecija, 382,716 o 97% ng kabuuang target na pamilya na ang nabahagian. Sila ay mula sa Aliaga (11,160 pamilya), Bongabon (10,456 pamilya), lungsod ng Cabanatuan (52,797 pamilya), Cabiao (14,909 pamilya), Carranglan (6,649 pamilya), Cuyapo (11,093 pamilya), Gabaldon (5,948 pamilya), lungsod ng Gapan (21,957 pamilya), General Natividad (7,410 pamilya), General Tinio (9,028 pamilya), Guimba (19,673 pamilya), Jaen (12,108 pamilya), Laur (5,793 pamilya), Licab (4,472 pamilya), Llanera (7,117 pamilya), Lupao (7,274 pamilya), lungsod Agham ng Munoz (14,035 pamilya), Nampicuan (2,493 pamilya), lungsod ng Palayan (7,289 pamilya), Pantabangan (5,197 pamilya), Penaranda (5,974 pamilya), Quezon (5,921 pamilya), Rizal (11,909 pamilya), San Antonio (14,097 pamilya), San Isidro (10,004 pamilya), lungsod ng San Jose (26,610 pamilya), San Leonardo (12,704 pamilya), Sta. Rosa (13,765 pamilya), Sto. Domingo (10,430 pamilya), Talavera (21,805 pamilya), Talugtug (3,739 pamilya) at Zaragoza (8,900 pamilya).

Sa Pampanga, 262,930 o 90% ng kabuuang target na pamilya na ang may subsidiya. Sila ay mula sa lungsod ng Angeles (23,899 pamilya), Apalit (11,065 pamilya), Arayat (13,799 pamilya), Bacolor (4,373 pamilya), Candaba (9,385 pamilya), Floridablanca (14,126 pamilya), Guagua (13,090 pamilya), Lubao (17,324 pamilya), lungsod ng Mabalacat (30,425 pamilya), Macabebe (7,331 pamilya), Magalang (12,859 pamilya), Masantol (5,280 pamilya), Mexico (17,199 pamilya), Minalin (5,030 pamilya), Porac (12,866 pamilya), lungsod ng San Fernando (37,098 pamilya), San Luis (5,000 pamilya), San Simon (5,620 pamilya), Sasmuan (2,565 pamilya), Sta. Rita (4,448 pamilya), Sta. Ana (5,791 pamilya) at Sto. Tomas (4,357 pamilya).

Sa Tarlac, 203,478 o 99% ng kabuuang target na pamilya na ang nakakuha na ng naturang tulong. Sila ay mula sa Anao (1,675 pamilya), Bamban (11,029 pamilya), Camiling (13,265 pamilya), Capas (21,051 pamilya), Concepcion (23,065 pamilya), Gerona (12,641 pamilya), La Paz (9,150 pamilya), Mayantoc (4,179 pamilya), Moncada (8,297 pamilya), Paniqui (14,254 pamilya), Pura (3,608 pamilya), Ramos (2,853 pamilya), San Clemente (1,715 pamilya), San Jose (3,571 pamilya), San Manuel (3,579 pamilya), Sta. Ignacia (7,210 pamilya), lungsod ng Tarlac (52,924 pamilya) at Victoria (9,412 pamilya).

At panghuli sa Zambales, may 88,940 o 99% ng kabuuang target na pamilya na ang naambunan ng ESP. Sila ay mula sa Botolan (5,684 pamilya), Cabangan (2,206 pamilya), Candelaria (2,670 pamilya), Castillejos (7,331 pamilya), Iba (5,401 pamilya), Masinloc (4,944 pamilya), lungsod ng Olongapo (28,744 pamilya), Palauig (2,961 pamilya), San Antonio (3,909 pamilya), San Felipe (2,340 pamilya), San Marcelino (3,048 pamilya), San Narciso (2,803 pamilya), Sta. Cruz (5,455 pamilya) at Subic (11,444 pamilya).

Paliwanag ni Maristela, ang mga pamilyang nakatanggap ng ESP ay kabilang sa impormal na sektor na walang pinagkakakitaan dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

Sila rin ay may miyembrong kabilang sa alin mang bulnerableng sektor- senior citizens, persons with disability, buntis, solo parents, katutubo, homeless citizens, distress at repatriated Overseas Filipino Workers, magsasaka, mangingisda, self-employed, informal settlers at yung mga informal workers gaya ng drivers, kasambahay, construction workers, labandera at manikurista.

Bukod sa DSWD, may ayuda din sa ilalim ng SAP ang ibang ahensya tulad ng Department of Labor and Employment at Department of Agriculture.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews