Limang bagong confirmed cases ng COVID-19 ang naitala ngayon ng PHO kaya umabot na sa 131 ang nagpositibo sa sakit na ito sa Bataan.
Samantala, 2 naman sa kanila ang nakarecover kaya’t nasa 55 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling.
Ang mga new confirmed cases ay ang mga sumusunod:
Isang 33 taong gulang na babaeng healthworker mula sa Lungsod ng Balanga, isang 33 taong gulang na lalaking healthworker mula sa Lungsod ng Balanga, isang 41 taong gulang na babaeng healthworker mula sa Dinalupihan, isang 42 taong gulang na lalaking healthworker mula sa Orion at isang 34 taong gulang na babae mula sa Morong.
Samantala sa tala ng PHO ay nasa 161 na ang namatay subalit ANIM (6) lamang dito ang confirmed cases ng COVID-19.
Sa mga napaulat na namatay ay 83 dito ay tagged as suspects pero may negative results, 34 tagged bilang suspects pero hindi sumailalim sa swabbing at 38 tagged as suspects, swabbed pero with pending results.
Samantala, 48 ang panibagong negative results habang 42 ang mga bagong sumailalim sa testing.
Umabot na sa 1,685 ang kabuuang bilang ng nagnegatibo sa 2,347 na natest mula pa noong January 31 ng kasalukuyang taon, 536 sa kanila ang pending o naghihintay na lamang ng resulta ng tests.