Hindi ako lumabag sa IATF guidelines: Gov. Fernando

Naniniwala si Bulacan Governor Daniel Fernando na wala siyang nilabag sa ano mang quarantine protocols na nakasaad sa Inter Agency Task Force (IATF) guidelines.

Ito ang pahayag ng gobernador kaugnay ng isang insidente sa pagpunta nito sana sa Morong, Bataan kung saan siya ay pinigilan umano ni SBMA Chairman Wilma Eisma.

Ito ay naganap nitong nakaraang May 8, 2020 kung saan hindi pinayagan ni Eisma si Fernando at ang convoy nito na dumaan sa SBMA upang maghatid sana ng tulong sa kaniyang kaanak at ilang mga Bulakenyong na-stranded sa Bataan.

Nabatid na pagdating ng convoy ni Fernando sa Tipo Gate ng SBMA sila ay sinabihan ng nakatalaga ritong security na hindi sila puwedeng dumaan dahil sa pinaiiral lockdown kaugnay ng ECQ protocol. 

Dahil dito, minabuti ni Fernando na kausapin si Chairman Eisma nang sa gayun ay mapakiusapan upang sila ay makadaan dahil ito umano ang pinakamabilis na way papuntang Morong, Bataan.

Paliwanag ng gobernador, kailangan makabalik agad siya sa Bulacan dahil meron itong mahahalagang appointment na dadaluhan kaya nais nito na makarating agad sa paroroonan subalit bigo pa rin si Fernando.

Pinagsabihan pa umano ni Eisma si Fernando na maging halimbawa para sa ibang tao at sumunod na lang sa batas bagay na ikinasama ng loob ng gobernador.

Ayon kay Fernando, wala umano siyang nilalabag na batas kaugnay ng IATF guidelines at base umano sa sinasaad sa guidelines ay maaaring lumabas o pumunta sa alin mang lugar kung ikaw ay isang givernment officials lalo na aniya kung ang pakay ay humanitarian service.

Sa pagkakataon iyon ay tinawagan ni Fernando si Gen. Carlito G. Galvez (Ret.) ng Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) upang alamin kung siya nga ba ay mayroong nilabag na ECQ protocol bagay na pinaboran umano ang gobernador.

“I am fully aware that I did  not violate any law in accordance with the Omnibus Guidelines of the Community Quarantine issued by the IATF. As an APOR (Authorized Person Outside of Residence), I am allowed to travel within and across areas under any form of community quarantine in order to do my duty and render humanitarian service,” ayon kay Fernando.

Upang hindi na humaba ang usapin ay minabuti ng punong lalawigan na bumalik na lamang bilang pagrespeto sa polisiya ni Administrator Eisma.

Bago pa makaalis ay nagtext message si Eisma sa security bidyguard ni Fernando na pumapayag na siya padaanin ang convoy at nagpaabot din ito ng paumanhin sa gobernador hinggil sa pangyayari subalit iginalang pa rin ni Fernando ang batas ng SBMA at hindi na tumuloy sa pag-aakalang tapos na ang naging usapin.

“Ang ikinasama lang po ng loob ko ay pinag-hintay pa kami ng mahigit isang oras, tapos sinabihan pa ako na.. “be a good example for others”, eh wala naman ako nilalabag,” ani Fernando.

Itinanggi rin ng gobernador na nag-offer si Eisma ng escort para ihatid ang grupo ni Fernando. “Wala po siya (Eisma) inalok to escort us.. kung meron edi walang naging problema”.

Pagkaraan ng halos dalawang linggo ay lumabas nitong Miyerkules (May 20) ang isang artikulo sa isang national broadsheet newspaper ang nangyaring insidente na kung saan lumalabas na si Fernando umano ang nagkamali.

“I categorically deny that, as the article mentioned,  I “savaged” the administrator. Or that I said, “Hindi mo man lamang ako binigyan ng galang. Hindi naman ako ordinaryong tao” (You did not even give me the respect due me. I am not an ordinary man). I recall that although I was deeply upset at the time, I never said anything to mean that I am entitled to special treatment just because I am a Governor. What I reiterated to her was that as a local chief executive, I am permitted by law to travel to respond to constituents locked down in another province and seeking my help,” ani Fernando.

“I believe na isa lamang itong misunderstanding na hindi na dapat pang pahabain, kung meron man ako nasabi na dinamdam niya (Eisma) na hindi ko naman intensyon ay humihingi ako ng pasensya. Ganunnpa man ay saludo ako sa ipinakita niya at strict implementation ng quarantine guidelines sa kaniyang nasasakupan, pahayag ni Fernando.

Apela ni Fernando na sana ay huwag nang patulan at pahabain ang naturang insidente na hindi naman makakatulong sa hinaharap na suliranin ng bansa kaugnay ng covid pandemic.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews