Umabot na sa 165 kaso ang tinamaan ng coronavirus (Covid-19) disease sa lalawigan ng Bulacan kung saan labing-tatlo rito ang pinakabagong naitala kabilang ang dalawang tatlong taong gulang na bata sa loob ng tatlong araw ayon sa Bulacan Provincial Health Office (PHO).
Base sa pinakahuling datos na inilabas ng PHO nitong Biyernes ng hapon, labing-tatlo ang bagong tinamaan ng nasabing virus habang sampu naman ang nakarekober.
Tatlumpu naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang dreaded disease habang animnaput-walo na ang kabuuang nakarekober.
Ang mga bagong covid cases a na kapwa 3-taon gulang mula sa bayan ng Plaridel at Bulakan; isang 53-year old male mula sa Angat; 51-year old male mula sa Guiguinto; 30-year old male at 29-year old female kapwa mula sa City of San Jose Del Monte; isang 16-year old male mula sa San Rafael; 33-year old male mula sa Marilao; 36-year old male mula sa Meycauayan City; 69-year old male sa Baliuag; 37-year old male sa Hagonoy at 23-year old female mula naman sa Sta Maria.
Nabatid kay Gob. Daniel Fernando na umabot naman sa 1,482 ang active suspects at 2 naman ang probable cases. Ayon kay Fernando, tanging ang bayan na lamang ng Dona Remedios Trinidad (DRT) ang nananatiling covid-free sa buong lalawigan ng Bulacan.
Nangunguna naman sa mayroong pinakamaraming kaso ng covid ang Lungsod ng San Jose Del Monte na 25 confirmed csases; Marilao town 19 cases; City of Malolos 18 cases; Baliuag 16 cases habang kapwa tig-12 kaso naman ang bayan ng Sta Maria at Bocaue.
Napagalaman na mahigit 2,000 na ang pending test results at for swab testing sa probinsiya na posibleng tumaas pa ang bilang ng kaso kapag lumabas na ang mga resulta.
Patuloy na nananawagan si Fernando sa kapwa niya mga Bulakenyo na manatili sa kanilang mga tahanan kung wala rin lang importatnteng lalakarin sa labas habang nananatili ang ilang lalawigan sa Gitnang Luzon sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).