4,210 bags ng binhi ng palay ipinamahagi sa Hermosa

HERMOSA, Bataan- Pinangunahan ni Mayor Jopet Inton ang pamamahagi ng 4,210 bags ng binhing palay sa bayang ito nitong Lunes. 

Ayon kay Mayor Inton, ito ay bahagi ng programang “Dekalidad na Binhing Palay mula sa Department of Agriculture.”

“Patuloy po ang pamamahagi natin ng mga binhing palay mula sa Department of Agriculture (DA). Ngayong araw namahagi tayo sa Barangay Saba at Balsik,” pahayag ng Alkalde sa panayam ng media. 

Dagdag pa ni Inton, ang kabuuang donasyon ay galing DA na tig 20kilos na mga binhi at sa kabuuan, mayroong 702 beneficiaries ang mabibigyan sa buong bayan ng Hermosa. 

“Mayroon pang darating na mga seeds at ang makakatanggap nito ay ang mga farmers na nag enroll sa RSBSA o Registry System for Basic Sectors in Agriculture. May matatanggap din tayong mga seeds na galing naman sa Programa na RCEF o Rice Competitiveness Enhancement Fund,” pagtitiyak pa ni Mayor Inton. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews