LUNGSOD NG CABANATUAN — Binigyang linaw ni Nueva Ecija Police Provincial Director PCol. Leon Victor Rosete ang pagbibigay ng travel authority ng kapulisan.
Ayon kay Rosete, hindi na kailangan ng travel authority o pass ng mga trabahador para makatawid sa mga checkpoint at boundaries.
Aniya, ang kailangan na lamang nilang dalhin at maipakita ay ang kanilang Certificate of Employment at Company ID.
Ngunit ang mga uuwi at lalabas ng probinsya ay kailangang kumuha ng travel pass sa Nueva Ecija Police Provincial Office.
Aagapay din sila sa mga nangangailangan ng travel pass para sa mga magba-byahe sa mga lugar na hindi sakop ng rehiyon na pino-proseso sa Police Regional Office 3 at National Headquarters.
Pahayag ni Rosete, tinaggal na din ang window hours sa mga pamilihan ngunit patuloy ang pagsisiyasat sa mga pumapasok na sasakyan bilang paghahanda sa pagpasok ng new normal.
Para sa mga paglilinaw o may katanungan ay maaaring tumawag sa mga himpilan ng Nueva Ecija Inter-Agency Task Force na 0956-815-6494 at 0918-335-9910.