Gusali ng Bulacan State U, magsisilbing quarantine facility ng OFWs

LUNGSOD NG MALOLOS — Magsisisilbing quarantine facility para sa mga returning Overseas Filipino Workers o OFWs ng lalawigan ang isang gusali ng Bulacan State University.

Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, ang gusali ng College of Social Science and Philosophy ay may 11 kwarto na may kabuuang kapasidad na 88 beds. 

Ito ay kumpleto sa mga kinakailangang amenities gaya ng aircon, comfort room at laundry area.

Dagdag pa ni Fernando, nais nilang dito muna i-quarantine ang mga umuuwing Bulakenyong OFWs upang makasiguro na walang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19 sakaling may magpakita ng sintomas sa mga ito. 

Anya malapit din ang pasilidad sa Bulacan Medical Center na nagsisilbing COVID-19 Center kung may kakailanganing i-confine.

Samantala, ginamit ding pasilidad para sa mga health workers ang College of Criminal Justice Education buiding ng pamantasan. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews