Sinalakay ng Bataan CIDG ang tahanan ng isang security guard sa gilid ng Roman Highway sakop ng Barangay Mambog, Hermosa, Bataan, Biernes ng umaga.
Sa report mula kay Major Christian Burgos Hepe ng Bataan CIDG kinilala ang nadakip na si Elmer Napiñas, 29 years old, isang sikyu na naka assign sa Residencia Hermosa.
Nakuha sa isinagawang paghalughog sa tahanan nito ang siyang short firearm (cal. 45 pistol), granada at mga bala, tear gas at magazine ng 9mm na baril.
Pinangunahan ni CIDG Bataan Deputy Chief, Police Capt. Alvin Caballes ang search operation sa bisa ng Search Warrant mula kay Executive Judge Maria Lourdes Ignacio ng Bataan RTC Branch 5
Katuwang din sa operasyon ang Hermosa PNP sa pangunguna ni Police Major Jeffrey Onde, EOD Bataan, PMFC Bataan at PIB Bataan.
Kakasuhan siya ng paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act.