Mga produkto ng Nueva Ecija, ilalagay sa mga matataong lugar

LUNGSOD NG CABANATUAN — Pinaplano ng Nueva Ecija Provincial Tourism Office na pagsama-samahin ang mga produkto na gawa sa lalawigan at ilagay sa matataong lugar.

Ayon kay Provincial Tourism Office Chief Jose Maria San Pedro, ito ang nakikitang pamamaraan upang makatulong sa mga kababayang maibenta ang mga sariling gawa o aning produkto. 

Kasama sa plano ng tanggapan ang paglalagay ng kiosk sa mga mall o mga tanggapan ng pamahalaang lokal upang i-sentro ang maraming produkto tulad ng mga pagkain at iba pa na dinarayo sa lalawigan. 

Pahayag ni San Pedro, kailangang mailapit sa consumer ang mga produkto upang madaling mabili.

Mahalaga din aniya ang branding ng produkto upang lalong makilala ang mga gawa sa lalawigan.  

Ayon naman kay Governor Aurelio Umali, ang lahat ng mga programang inilulunsad ng pamahalaang panlalawigan para makatulong sa mga magsasaka ay konektado sa turismo at merkado.

Katulad ang pagtatayo ng Provincial Food Council na nakatulong sa mga magsasaka sa pagbili ng mga aning palay, gulay at iba pa. 

Ibinalita din ng punong lalawigan na pagtutulungan ng kapitolyo at Phililppine Carabao Center na mai-angat ang industriya ng mga maggagatas ng kalabaw sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbili ng mga kagamitan na kailangan sa pagpo-proseso ng gatas

Sa kabila ng suliraning dulot ng COVID-19 ay kinikilala ng pamahalaang panlalawigan ang gampanin ng mga magsasaka na mga magiging tulay upang muling makabangon ang ekonomiya ng bansa.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews