2 dating NPA sumuko sa Aurora at Bulacan

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga-Dahil sa patuloy na operasyon ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) under Executive Order No. 70 sa Gitnang Luzon, dalawang dating rebelde ang boluntaryong sumuko sa pamahalaan sa lalawigan ng Aurora at Bulacan nitong Miyerkules at Huwebes.

Unang sumuko ang isang dating miyembro ng New Peoples Army (NPA) na pansamantalang di binanggit ang pangalan  nitong Miyerkules kay Bulacan Governor Daniel Fernando kasabay ng pag-surrender ng kaniyang armas at pagtugon sa mga programa ng pamahalaang nasyunal para sa mga nagbabalik-loob na mga rebelde.

Ayon kay Fernando, ito umano ay pagpapatunay na seryoso ang pamahalaan na bigyan ng pagkakataon ang mga makakaliwa na makapagbagong buhay.

Samantala, sumuko rin at isinurender ng isang dati ring miyembro ng  Komiteng Larangang Gerilya (KLG) Sierra Madre sa lalawigan ng Aurora ang kaniyang sarili at armas sa lalawigan ng Aurora bilang pakikipagtulungan at pakikiisa sa gobyerno.

Ayon kay Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director PBGen Rhodel Sermonia ang sumukong rebelde ay isa umanong  Political Instructor/Secretary on Committee of Education  ng Underground Movement Organization, Sec Gen PAMANA sa ilalim ng Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) at Committee Chairman ng AKMA under PAMANA ng sectoral organization at dati ring Political guide of Sentro De Grabidad (SDG) Central Aurora ng KLG Sierra Madre sa pamumuno ni Eduardo Jandoc, alias “Joaquin”.

Ayon kay Sermonia, isinuko rin ng nasabing rebelde ang kaniyang  12 gauge improvised shotgun, isang hand grenade, mga libro at subersibong dokumento.

“Our government welcomes with open hands those who want to return to the fold of law at the same time what our RTF ELCAC3 aims is to put a stop to all armed conflicts and convince others to return to the fold of the law while at the same time be able to avail of the Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) and be given the chance to start their lives anew,” dagdag pa ni Sermonia.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews