Pangkabuhayan, nananatiling pangangailangan ng mga katutubo sa Nueva Ecija

LUNGSOD NG CABANATUAN — Pangkabuhayan ang nananatiling pangangailangan ng mga katutubo sa Nueva Ecija.

Ayon kay National Commission on Indigenous Peoples o NCIP Provincial Officer Donato Bumacas, naapektuhan din ang mga kababayang katutubo sa lalawigan sa krisis dulot ng coronavirus disease lalo noong panahong isinailalim sa Enhanced Community Quarantine ang probinsiya.

Hindi din aniya sila nakalalabas ng kanilang komunidad noon upang makapagsaka na pangunahing ikinabubuhay ng ilan.  

Pahayag ni Bumacas, sa kasalukuyang krisis sa COVID-19 ay mahalagang maipaalam at maipaunawa sa mga nasasakupang katutubo ang kahalagahan ng pag-iingat at pagsunod sa mga protocol upang hindi mahawaaan ng sakit. 

Kaugnay nito ay nangangailangan din ang sektor ng hygience kits at personal protective equipment gaya ng face mask na kanilang magagamit bilang proteksiyon kontra sa sakit. 

Bagamat nakapagbigay na aniya ang NCIP sa ilan ay kulang pa din para sa humigit 126,000 na mga katutubo sa lalawigan. 

Paglilinaw ni Bumacas ay wala pang katutubo sa lalawigan ang nagkakasakit o nahawahan ng COVID-19. 

Kaniyang panawagan sa sektor ay patuloy na mag-ingat lalo sa paglabas ng komunidad. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews