25,750 SAP beneficiaries sa Pandi tumanggap ng cash assistance

Nagsimula nang tumanggap ng cash aide galing sa government’s Social Amelioration Program (SAP) ang 25,750 beneficiaries mula sa bayan ng Pandi, Bulacan.

Nitong Lunes ay sinimulan nang ipamahagi ni Pandi Mayor Enrico Roque at nang Department of Social Welfare and Development  (DSWD) Region 3 ang distribusyon ng nasabing cash subsidy kung saan inisyal na tumanggap ang 762 beneficiaries mula sa Barangay Malibong Bata at Barangay Real De Cacarong na nagkakahalaga ng P6,500 each na may kabuuang halaga na P4.9 million.

Ayon kay Roque, una nang nakatanggap nitong Abril 9, 2020 bilang pilot municipality sa Gitnang Luzon ang 8,857 households at ang 3,816 miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) at ngayon nga ay nagsisimula nang tumanggap ang 25,750 pang mga left outs kung saan umabot sa kabuuang 38,423 ang total ng recipient sa unang bugso ng pamamahagi ng nasabing cash aide.

Nabatid na ang bayan ng Pandi ay kabilang sa top three local municipalities na may mataas na bilang ng recipients sa Central Luzon na umabot ng 38,423 households na nagkakahalaga ng P499-million worth ng naturang SAP subsidies.

Sinabi pa ni Roque na halos 5,000 na miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na pawang mga pro-government na ngayon ay kasama rin sa makatatanggap ng nasabing benepisyo o financial assistance na naapektuhan din ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

“Kahit sino ay makatatanggap kahit hindi taga-Pandi, hindi namin sinala at hindi rin kami nag-base sa Comelec registration. Basta dito sila inabutan ng lockdown at nakapagparehistro sa assessment form ng DSWD.

Nagpapasalamat ang mga Pandienyo at si Roque kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa DSWD Region 3 personnel dahil sa ipinagkaloob ang kanilang kahilingan na mabigyan ng cash subsidy ang naturang dami ng beneficiaries na kung saan hindi lahat ng lokal na munisipalidad ay napagkakalooban.

Pinasalamatan din ng alkalde ang mga volunteers mula sa mga miyebro ng Pandi Mother Leaders at Pinagkaisang Lakas ng Kababaihan (Pilak) ng Pandi at sa kahat ng tumulong para sa maayos ang nasabing distribution activity.

Ayon kay Roque, susunod na makatatanggap ang mga beneficiaries mula sa Barangay Bagong Barrio, Masagana at Masuso sa araw ng Miyerkules (July 15).

Inaasahan na tatanggapin muli ng 38,423 beneficiaries ang kasunod na P6,500 SAP subsidy sa ikalawang bugso o 2nd tranche sa susunod na buwan ng Agosto, 2020.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews