ChaCha suportado ng Bulacan LGUs

Nagpahayag ng full support ang matataas na opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna nina Governor Daniel Fernando at Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado kasama rin ang Mayor’s League sa panukalang Federal Presidential-Parliamentary Form of Government kasabay ng isinagawang launching ng Movement for Charter Change and Cultural Revolution nitong Sabado sa patio ng makasaysayang simbahan ng Barasoain Church sa Lungsod ng Malolos.

Ang mga nabanggit na opisyal ay nakilahok sa isinagawang  motorcade rally ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Council (MRRD-NECC) Manila and Pampanga Chapter para suportahan ang panukalang palitan ang unitary to federal form of government.

Ang naturang motorcade rally ay nagsimula sa harap ng National Library sa Kalaw, Manila at nagtapos sa harap ng Malolos Barasoain Church kung saan dito isinagawa ang isang simpleng seremonya  o  symbolic closure o pamamaalam sa lumang konstitusyon at pagbukas o pagtanggap naman sa bagong konstitusyon.

Ayon kay Gob Fernando, patuloy silang nakasuporta sa mga adbokasiya ng kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng naturang proposed new federal form of government.

“Naniniwala tayo sa mga adhikain ng ating pangulo, ito nga pong federalismo ay napakaganda lalo na sa ating lalawigan at kung lahat tayo ay magkakaisa hindi hadlang ang pandemya para makamtan natin ito,” Fernando said.

Nanawagan si Fernando sa lahat ng nakakaunawa sa saklaw ng Federalismo na i-educate ang taumbayan na walang idea kung ano ang Federalismo upang malaman ng nakararami ang kahalagahan nito at benepisyo para sa gobyerno.“S

a paglipas ng panahon ay mas nakikilala natin ang pangangailangan ng ating mga nasasakupan kaya marapat lamang na sabayan natin ang pagbabago upang mas maging handa tayo para sa kinabukasan. Ano man ang maging bihis ng ating pamahalaan, ang mahalaga ay sama-sama pa din tayong maging tanod ng katotohanan at sandigan ng katarungan,” ayon sa gobernador.

Ayon naman kay Bise Gob Alvarado, itinuring nito si Presidente Duterte bilang “gift of the Lord” para sa sambayanang Filipino kung saan hinihikayat nito ang mga local government units at private sectors na suportahan ang federal form of government at iba pang adbokasiya ng pangulo.

Samantala, sinabi ni Bulacan First District Representative Jose Antonio R. Sy-Alvarado na ginagawang lahat ng kongreso ang lahat upang suportahan at mai-pasa ang nasabing panukala na new system of government.

“Panahon na sa Pilipinas upang makasubok tayo ng panibagong gamot. At pinaniniwalaan ko po na ang tamang paghahati sa pondo ng bayan, ang pagbibigay ng tamang kapangyarihan sa federal states o sa bagong bubuoin natin na local government, ito ang magiging solusyon upang mas mabilis na makarating sa ating mga kababayan ang tulong na ngayon ay nanggagaling pa sa pamahalaang nasyunal,” ani Alvarado.Kasama rin sa naturang  motorcade rally mula Manila to Malolos sina Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino, Bobby Brillante, National Deputy Spokesperson MRRD-NECC, Former CSJDM Mayor Rey San Pedro- Chairman for Luzon, Ret. Col. Danilo Bugay-Provincial Chairman Bulacan-MRRD-NECC, Bong Alonzo, Regional Chairman for Muslim Affairs, former Cong. Omar Fajardo, Vice President for International Affairs at iba pang mga miyembro at opisyales ng  MRRD NECC. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews