Suspected drug pushers, gun runners tiklo sa Orani, Bataan

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Bataan CIDG, Bataan Special Action Force, Provincial Intelligence Branch at Orani Police  ang dalawa katao sa isinagawang police operation Lunes ng umaga sa Barangay Mulawin, Orani, Bataan.

Ayon kay Mulawin Barangay Kapitan Marvin Dela Cruz, resulta ito ng matagal na nilang surveillance bago pa ang pagpapatupad ng lockdown bunsod ng COVID-19 pamdemic.

Sa inisyal na ulat mula kay Police Major Joey Sampaga, Orani chief of police, kinilala ang mga nadakip na sina Paul James Santisas, 30 anyos, nakatira sa naturang barangay at Armando Vallester, 43, taga Mabatang, Abucay, Bataan. 

Sinalakay ng CIDG operatives ang tahanan ni Santisas sa bisa ng Warrant of Arrest mula kay Judge Marion Jacqueline Poblete ng Bataan RTC Branch 3.

Nakuha sa isinagawang search operation sa bahay ni Santisas ang isang Cal. 45 pistol na may isang magazine na loaded ng 8 bala, 1 fragmentation grenade, weighing scale at 29 sachets ng suspected shabu. 

Base sa imbestigasyon ng CIDG Bataan sa pamumuno ni Police Major Christian Burgos, si Santisas myembro umano ng Napenas Criminal Gang na responsable umano sa gun running, at illegal drug trade sa probinsiya ng Bataan. 

Dinala ang mga nadakip at mga ebidensya sa Orani MPS para sa proper documentation sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews