Samalenyong vegetable gardeners wagi sa OMG Project

SAMAL, Bataan – Dahil sa kanilang galing sa pagpapalago ng kani-kanilang mga aning gulay ay ginawaran ng premyo ang ilang Samalenyo.

Ito ay sa ilalim ng programang “OMG, Oh My Gulay!” ni Bataan 1st District Representative Geraldine B. Roman na kamakailan ay inilunsad para turuan ng pamamaraang organiko sa pagtatanim ng gulay mga kababaihan ng Unang Distrito bilang karagdagang pagkakakitaan sa panahon ng pandemyang Covid-19.

“Tapos na po ang ating preliminary rounds kaya maghanda na para sa mga susunod na surprises para sa ating OMG Project. ang ibang bayan naman ay nag-uumpisa na sa pag-aani ng kanilang mga tanim,” pahayag ni Congresswoman Roman. 

Ilan sa mga nagwagi sa bayan ng Samal ay sina Wenefrida Batiles ng Barangay San Juan (Best Urban Garden gamit ang recycled plastics at rubber containers); Gloria Quidato ng Barangay Gugo (Best Backyard Garden); at ang KABAKA Tabing-Ilog para sa kanilang Most Improved Garden.

Ang mga nanalo ay makakatanggap bawat isa ng P2,000 cash prize.  

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews