Muling nagbigay ng tulong para sa mga frontliners at health care workers sa bayan ng Abucay ang LOVE TERI Foundation ng showbiz personality at dating provincial board member, Dexter “Teri Onor” Dominguez.
“Bilang patuloy na pagkalinga sa ating mga kababayan sa paglaban sa Covid-19 ay nagpaabot po tayo ng mga tulong sa ilang pangangailangan ng para sa ating mga frontliners at healthcare workers sa 9 na barangay ng Abucay,” pahayag ni Bokal Teri.
Ang mga ibinahagi ni BM Dominguez sa mga frontliners kada barangay ay 1 box ng corned beef, 1 box 1 box ng noodles, 1 buckets ng cookies, vienna sausages, 3-in1 coffee, 2 trays of eggs, 5 kahon ng surgical masks at 6 gallons ng isoprophyl alcohol.
Kabilang sa mga nabigyan ay ang Abucay PNP, MDRRMO, BFP Abucay at mga barangay ng Capitangan, Salian, Gabon, Omboy, Laon, Calaylayan, Mabatang, Bangkal, at Wawa.
Ang LOVE TERI Foundation ay isang non-profit at charitable organization na siyang kumakalinga sa mga pangangailangan at adhikain ng mga Abukenyos na makamit ang mataas na antas ng pamumuhay.