AFAB nagbukas ng quarantine facility

MARIVELES, Bataan – Mas pinaigting ngayon ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ang pagtugon nito laban sa COVID-19 sa pagbubukas ng 38 silid na magsisilbing quarantine facility nito, nitong Lunes. 

Ayon kay AFAB Administrator Emmanuel Pineda, pinagsumikapan ng AFAB na maisakatuparan ang pagkakaroon ng naturang proyekto upang masigurado na may nakahandang matutuluyan ang mga manggagawa ng FAB na kailangang mag-quarantine.

Sa unang palapag nito ay may 13 kwarto na air-conditioned habang may pangsolong higaan, palikuran, shower area at stand fan naman ang makikita sa 25 pang mga silid. 

Nagdonate din ang GNPower Dinginin Ltd. Co. ng 24 na higaan bilang.
Ang nasabing pasilidad ay matatagpuan sa Economic Housing Building ng AFAB sa Sitio Karagatan, Barangay Alas Asin, Mariveles, Bataan. (

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews