Panukalang Bataan High School for Sports, pasado sa Kamara

BALANGA CITY – Aprubado na sa House of Representatives ang panukalang batas ni Bataan 2nd District Representative Jose Enrique “Joet” Garcia III para sa mga kabataang nagnanais maging world class athletes. 

Ang House Bill 6961 o ang “AN ACT CREATING A HIGH SCHOOL FOR SPORTS IN THE MUNICIPALITY OF BAGAC, PROVINCE OF BATAAN TO BE KNOWN AS THE BATAAN HIGH SCHOOL FOR SPORTS AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR”… ay naglalayon na magbibigay ng oportunidad para sa mga mag-aaral na nasa larangan ng palakasan na makatanggap ng gabay at pagsasanay para maging world-class athletes kasama ang pundasyong pang-akademiko. 

Dagdag pa ni Congressman Garcia, kapag ito ay naging ganap nang batas, ang Bataan ang magiging kauna-unahang lalawigan sa Pilipinas na may nakatalagang special national high school sa Science, Arts at Sports (SAS).

“Inaasahan natin ang panukalang ito ay masusuportahan din ng Senate Committee on Basic Education sa pamumuno ni Senator Sherwin Gatchalian,” sambit pa ni Garcia. 

Nauna rito, matatandaan na noong nakaraang Kongreso ay ganap na naging batas ang Balanga City National Science High School at Bataan High School for the Arts para naman sa mga mag-aaral na nangunguna sa larangan ng agham at sining. 

“Malapit na tayo sa ating pangarap na magkaroon ng pagkakataon ang lahat ng mag-aaral na palakasin ang kanilang mga kasanayan at talento,” dagdag pa ni Rep. Garcia.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews