Bishop Villarojo, pinapurihan ng SMC sa pagtulong sa mga residente ng Taliptip

BULAKAN, Bulacan- Pinapurihan ni San Miguel Corporation (SMC) president at chief operating officer Ramon S. Ang si Malolos Bishop Dennis Villarojo sa pag-dodonate ng cash mula sa appraised value ng mga abandonadong chapels sa mga residente ng mga sitio na nakakasakop dito.  

Inatasan ng Bishop Villarojo na ang naturang cash value ng chapels na binayaran ng SMC ay ipamigay sa mga residente ng Sitio Pariyahan, Sitio Dapdap, Sitio Bunutan at Sitio Capol.

Ang kabuuang halaga na P2,253,000 ang ipinabigay ni Bishop Villarojo sa 242 na residente ng naturang mga sitio at may karagdagan pang cash assistance na kahilingan ng obispo. 

Marami sa mga residenteng ito ay dating caretakers at manggagawa sa mga pribadong fishponds na nagsara na dahil sa madalas na pagbabaha.

 “Today, as our country battles the COVID-19 global pandemic, acts of generosity and malasakit towards our fellow Filipinos are what we need. Bishop Villarojo exemplifies this kind of selflessness. We are proud to have helped the people of Taliptip through the efforts of Bishop Villarojo,” wika ni Ginoong Ang.

Ang naturang halaga ay hiwalay pa sa natanggap ng mga residente na qualified at hindi qualified.

 “We thank the good bishop for helping the residents and for suggesting to us steps on how we can address their concerns. Because of him, we were able to provide what the residents really needed, and we assured him that we would care for everyone,” dagdag ni Ang.

At para matulungang makapagsimula ang mga residente ay nabigyan ang may-ari ng non-concrete houses or shanties ng P250,000 kada isa habang ang may-ari ng concrete houses ay nabigyan ng appraised value ng kanila bahay multiplied by two at may karagdagan P100,000.

May kabuuang bilang na 277 na may-ari ng concrete at shanty houses ang nabigyan ng financial assistance. Mayroon ring 92 na na-dsqualify ngunit nakatanggap pa rin n cash assistance para sa kabuuang bilang na 369.

Ang mga residente ay nagdedesisyun na lumipat na ibang lugar na Bulacan ay sa kanya-kanya probinsya tulad ng Samar, Negros, Nueva Ecija, Sorsogon, Mindoro, Masbate, Camarines Sur, Malabon, Bataan Valenzuela, Paranaque, Dumaguete, at Albay.

Para sa mga mananatili sa Bulacan, mabibigyan sila ng skills training at job opportunities sa airport project.

“Our help does not stop at providing them cash to start anew in life. We will help equip beneficiaries with skills and provide them opportunities that will allow them to change their lives for the better,” wika ni G. Ang.

Ang naturang residente ay makaka-avail ng courses sa Technical Skills Development Authority (TESDA) sa pakikipagtulungan sa SMC. Tinulungan rin sila ng SMC na matuloy ang benepisyo nila sa DSWD at sa Bulakan LGU.

Ang naturang TESDA courses na ituturo sa face-to-face at online ay kinabibilangan ng Dressmaking, Cookery, Shielded Metal Arc Welding, Electrical Installation and Maintenance, at Heavy Equipment Operator (Hydraulic Excavator).

Matapos ng training programs at magkakaroon ng TESDA skills assessment test bago sila bigyan ng National Certificates or NCII. Ang mga trainee ay magkakaroon rin ng Entrepreneurship training sa tatlong araw at mabibigyan ng toolkits kung nais nila ng self-employment.

Ang graduates ng Heavy Equipment Operator course mag mare-refer para sa mga trabaho sa airport.

Ang Manila International Airport ay mayroon apat na runways at may karagdagan pang apat, isang world-class terminal, at seamless transport system.

Ang MIA ay makaka-accommodate ng 100 milyon na pasahero kada taon, makakagpabigay na isang milyon na direct at indirect na trabaho at makakapagbukas ng maraming negosyo sa Bulacan kasama na rito ang turismo.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews