BULAKAN, Bulacan- Matapos makatanggap ng financial assistance mula sa San Miguel Corporation ay nakalipat na sa kani-kanilang mga bagong tirahan at nakapag-negosyo ang mga apektadong residente ng Barangay Taliptip kaugnay ng itatayong P734-billion Manila International Airport.
Ayon kay SMC president and chief operating officer Ramon S. Ang, regular ding sinubaybayan ng kumpanya ang mga dating nakatira sa Taliptip upang malaman ang kanilang kalagayan.
“Many have already completed building their houses. What is important is that they are now living in safer areas, in stronger houses they can be proud of and pass on to their children. They will no longer be exposed to the elements and to risk, whenever there are typhoons,” wika ni Ang.
Ginamit ng mga Taliptip ang financial assistance para makapagpagawa ng bahay ibang lugar sa Bulacan at maging sa kanya-kanyang probinsya na pinanggalingan.
Marami rin ang bumili ng house and lot at lote para mapagtayuan ng mga bahay. Marami sa kanila ang dating caretakers at fishpond workers nakatira sa mga barung-barong sa tabing dagat.
Isa sa kanila si Teody Bacon na nakatira sa Sitio Kinse kasama ng lima pang pamilya na nakatakdang lumipat sa Barangay Bambang sa Bulakan bago matapos ang buwang ito.
“Sa tulong ng San Miguel ay nakapag-pagawa kami ng bahay namin. Sa simula pa lang ay sila na tumulong sa amin. Maganda rin ang bagong lugar namin dahil may kuryente at tubig. Umaasa rin kami na mabibigyan ng hanapbuhay ng San Miguel Corporation,” ayon kay Bacon.
Ayon kay Ang, ang ilan sa mga ito ay ginamit ang financial assistance sa pagtatayo naman ng maliit na negosyo, magbayad ng utang at magtabi ng pera para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
“They are very happy that they were given a chance to rebuild their lives. If you see their previous homes, you can’t help but feel sad, but at the same time, also admire them for their strength and resilience. All the more we wanted to help them and make sure they will really have a better future,” ani Ang.
May kabuuang bilang na 277 na may-ari ng konkreto at shanties na bahay ang nag-qualify para sa financial assistance.
Bingyan ng SMC ang mga may-ari ng non-concrete houses o shanties ng P250,000 bawat isa habang ang mga may-ari ng konkretong bahay ay nabigyan ng appraised value ng kanila bahay multiplied by two at may karagdagang P100,000.
Nabatid na may 92 katao na hindi qualified ang nakatanggap din ng financial assistance para sa kabuuang 369 na beneficiaries.
Napagalaman pa na may mga residente na bumalik sa kani-kanilang mga probinsiya sa Samar, Negros, Nueva Ecija, Sorsogon, Mindoro, Masbate, Camarines Sur, Malabon, Bataan Valenzuela, Paranaque, Dumaguete, at Albay.
Maliban sa financial assistance ay matuturuan rin ang mga taga-Bulacan ng bagong kasanayan para makakuha ng trabaho sa airport at magsimula ng sariling negosyo.
“The airport project itself will be an opportunity for them because it will create a lot of jobs. And right now, we are prioritizing them for these jobs. In fact, we are about to begin training the first batch of 60 former Taliptip residents, with the help of the Technical Skills Development Authority, in various skills needed for jobs at the airport,” wika ni Ang.
Kasama sa maga kurso ang Shielded Metal Arc Welding, Electrical Installation and Maintenance, at Heavy Equipment Operations. Mayroon ring kurso tulad ng dressmaking and cookery. Lahat ng magtatapos ay bibigyan ng seminar sa Entrepreneurship.
“These courses are open to Bulacan residents who wish to learn and those who would like to prepare themselves for jobs at the airport or establish businesses in support of the airport development. Our goal is to provide as much employment and livelihood to as many Bulakenyos as part of our commitment to the airport’s home province,” ayon pa kay Ang.