BALANGA CITY – Binisita ng mga opisyales ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) sa The Bunker ang siyang magiging sentro ng isa sa mga bagong FAB Expansion Areas (FEA) nitong nagdaang Biernes, Sept. 4, 2020.
Ayon kay AFAB Administrator Emmanuel Pineda, ito ay bunga ng pagtutulungan ng AFAB, City of Balanga (COB) at Provincial Government of Bataan (PGB), naideklarang expansion area ng Freeport ang humigit kumulang 14.9 ektaryang lupa kung nasaan ang provincial capitol.
Tinawag na “The Colonnade at the Capitol” ang naturang FEA.
Kasama sa expansion area ang Bataan Government Center – “The Bunker” pati na ang pagpapaganda ng mga istrukturang nakatayo na sa naturang compound tulad ng Bataan People’s Center.
Kasama rin sa mga plano ang pagkakaroon ng mga commercial center, convention halls, at business hotels na lilikha ng mga bagong trabaho para sa mga taga-Bataan.
Ang Colonnade at the Capitol ay naideklarang isang expansion area ng FAB sa pagkakaisa ng AFAB, COB, at PGB na siyang inaasahang makatutulong sa pagbangon ng turismo mula sa epekto ng COVID-19.