Out-of-school teachers, posibleng i-hire ng DepEd

Hinimok ni ACT-CIS Partylist Representative Jocelyn Tulfo ang Department of Education (DepEd) na ikonsidera at maaring i-hire o kunin ng ahensiya ang mga private school teachers na nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19.

Ayon kay Tulfo, maaaring italaga ang mga nasabing guro sa pag-e-enroll ng tinatayang mahigit tatlong (3) milyon estudyante na hahabol sa pasukan sa Oktubre 5.

Sinabi ni Tulfo ma maari rin makatulong ang mga ito sa pagpo-produce ng learning modules na magsilbing substitute teachers sa mga gurong naka-leave at magsilbing augmentation o dagdag na personnel sa mga malalayong lugar.

Nabatid na sa talaan ng DepEd na aabot na umano sa 700 private schools ang napilitang magsara na matapos hindi makapag-enroll ang kanilang mga estudyante dahil na rin sa kawalan ng pera at lumipat na lamang sa pampublikong paaralan bunsod ng pandemya dulot ng Covid-19.

Matatandaang nauna nang isinulong ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukala na kunin bilang tutor ang mga private school teachers na apektado ng pandemiya dulot ng Covid-19.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews