P536.5B pamumuhunan pumasok sa Bulacan sa kabila ng pandemya

LUNGSOD NG MALOLOS — Hindi napigil ng kasalukuyang pandemya ng COVID-19 ang pagpasok sa Bulacan ng mga bagong pamumuhunan mula Enero hanggang Hunyo 2020. 

Ayon kay Department of Trade and Industry Bulacandirector-in-charge Ernani Dionisio, pinakamalaki rito ang 530.8 bilyong pisong naaprubahan ng Board of Investments para sa unang bahagi ng pamumuhunan ng San Miguel Aero City Inc. para sa proyektong New Manila International Airport project sa Bulakan.

Sinundan ito ng 3.5 bilyong piso na puhunan mula sa itatayong low-cost housing project sa barangay Saluysuy sa lungsod ng Meycauayan. Mayroon ding 837.5 milyong piso para sa bagong cold storage and blast freezing facility sa barangay Dampol-B sa bayan ng Pulilan.

Apat na mga real-estates projects naman ang sabay-sabay na itatayo sa bayan ng Santa Maria. Kabilang diyan ang 512.8 milyong pisong itatayo sa barangay San Vicente, 420.4 milyong piso na sa mga barangay Catmon at Bulac ilalagay, 167.8 milyong piso sa may Alegra Heights-Batch B Horizontal sa barangay San Vicente rin at ang 80 milyong piso sa isa pang bahagi ng mga barangay Catmon at Bulacan.

Mayroon dalawang real estate investments sa Marilao gaya ng 77.32 milyong piso halaga ng itatayo sa barangay Abangan Sur at ang isa naman ay nagkakahalaga ng 69.2 milyong piso sa iba pang bahagi ng nasabin barangay.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews