Disaster Resilience Act ni Rep.Roman, aprubado na!

Aprubado na sa House of Representatives ang House Bill 5989 o ang “Disaster Resilience Act” na magtatatag ng Department of Disaster Resilience.

Ito ang masayang ibinalita ng main author nito na si Bataan 1st District Representative Geraldine B. Roman. 

Ayon kay Congresswoman Roman, ang naturang Departamento ang mangangasiwa sa “pagpapalalas ng ating kakayahang iwasan ang mga panganib na dulot ng mga sakuna.”

Ayon pa kay Roman, noong 17th Congress, siya ang kauna-unahang Chairperson ng bagong Committee on Disaster Management.

“Binigyan po natin ng higit na prayoridad ang sitwasyon ng ating mga kababayan sa Marawi dahil nais nating maging mabilis at maayos ang kanilang recovery ngunit hanggang sa ngayon ay tila hindi umuusad ang rehabilitation program para dito. Hindi ito katanggap-tanggap,” pahayag ni Rep. Roman.

Ilan sa mga kalamidad na madalas na nararanasan ng bansa ay ang mga pagbaha o flash floods, lindol, pagputok ng bulkan, landslide, El Niño o matinding tagtuyot; La Niña o pagkakaroon ng matinding pag-ulan at pagbaha; at storm surge.  

Sa panukalang batas na ito, dagdag pa ni Roman, ay masisiguro aniya na mas mabilis, pinag-ugnay, at mabisa ang tugon ng gobyerno sa anumang sakunang kinakaharap nito at matuturuan rin nito ang publiko kung paano mai-minimize ang mga epekto ng isang sakuna mapa-bagyo o pandemya man ito. 

“Matitiyak na rin natin ang monitoring ng ating disaster response at post-disaster recovery,” dagdag pa ni Roman. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews