BIR nagpaalala sa mga online businesses hinggil sa deadline para magparehistro

QUEZON CITY – Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa lahat ng mga nagnenegosyo o nagbebenta ng kanilang mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng online o internet.

Ayon sa BIR, mayroon na lamang silang hanggang bukas September 30, para magparehistro ng kanilang online business.

Nagbabala rin ang BIR na mapapatawan ng mga karampatang parusa ang sinumang hindi susunod sa sa Revenue Memorandum Circular No. 92-2020 na inisyu ni Revenue Commissioner Caesar Dulay.

Bukod sa pagrehistro, inaatasan din ang mga negosyante na magdeklara ng tamang kita.

Nilinaw din ng BIR na hindi sisingilan ng buwis ang kitang mas mababa sa P250,000 kada taon alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ginawa ng BIR ang kautusan sa harap ng paglaki ng online business dulot ng coronavirus disease o Covid-19 at upang mapalaki na rin anila ang koleksyon ng buwis na kailangan ng pamahalaan para sa mga gastusin nito.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews