9 na PDLs, patay sa riot sa Bilibid Prison

Kinumpirma ni Bureau of Corrections PIO Chief Col.Gabby Chaclag na siyam ang bilang ng mga persons deprived of liberty (PDL) ang namatay sa naganap na riot nitong madaling araw ng Biernes sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Ayon Kay Chaclag, partikular ang naging sagupaan sa pagitan ng mga inmates na myembro Sputnik Gang at Commando Gang sa East Quadrant  ng maximum security compound ng NBP.

Tiniyak naman ni Chaclag na otomatiko silang magsusumite ng incident report sa Department of Justice.

Samantala, hindi naman masabi ni Chaclag kung kailan nila maisusumite ang report sa Justice Department.

Ito ay matapos atasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang BuCor na magsumite ng report sa DOJ sa lalong madaling panahon.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews