Kalakalan sa FAB nanatiling masigla sa kabila ng Pandemya

Umabot sa halos $649 (USD) milyong dolyar ang pinagsamang import at export transactions sa loob ng Freeport Area of Bataan (FAB) mula Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon.

Ito ang ibinalita ni Authority of the Freeport Area of Bataan o AFAB Administrator, Engr. Emmanuel Pineda sa isinagawang Kapihan kasama ang mga lokal na mamamahayag sa Bataan nitong Mierkoles ng umaga sa Balanga City, Bataan. 

Ayon kay Pineda bagamat nagkaroon ng mga state-sponsored lockdowns dahil sa Covid-19 pandemic ay nagpatuloy aniya ang masiglang kalakalan sa loob ng FAB. 

Sa exports ay umabot sa 11,061 ang naging transaksyon mula Enero hanggang Oktubre at nakapagtala ng export value na $438,939,125.23 habang sa imports ay umanot naman sa 7,819 transactions na may halagang $209,551,168.88. 

Dagdag pa ni Pineda, bagamat malaki ang ibinaba ng bilang ng mga transactions mula Marso hanggang Mayo dahil sa mga ipinatupad na enhanced community quarantines bunsod ng Covid-19 pandemic, ay nagsimulang maging aktibo ang kalakalan sa FAB kasabay ng pagluwag sa mga ipinaiiral na health and safety protocols dahil sa pagbaba ng mga aktibong kaso ng coronavirus disease. 

Sa kasalukuyan ay mayroong 97 FAB registered enterprises ang classified bilang operational at 87.63 porsyento dito ay nag-ooperate kahit na nasa quarantine period pa ang lalawigan ng Bataan. 

Sa nabanggit na bilang ng locators 58 dito ang Filipino, 12 ang Korean, 8 British, 3 American, 3 Chinese, 3 Japanese, 2 German, 2 Taiwanese at tig-iisang Bahrainese, French, Indonesian, Pakistani, Polish at Sri Lankan. 

Sa mga industriyang nasa FAB, 48 ang nasa manufacturing, 12 sa wholesale and retail trade, 9 ang nasa accommodation and food services, 8 ang nasa power generation and utilities, 6 ang nasa administrative and support  services, 2 sa arts and entertainment, recreation and tourism services, 1 ang nasa human health and social work activities, 7 sa estate development at 4 sa information and communication. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews