MARIVELES, Bataan — Patay ang isang batang babae sa naganap na sunog nitong Sabado ng madaling araw sa bayang ito.
Ito ay matapos akalain ng mga kaanak na kasama na nila ito sa paglabas sa nasusunog nilang three-storey residential building, na sa kasamaang palad ay naiwan palang natutulog.
Kinilala mismo ni Ricardo Buensalida, 71, ang kanyang nasawing apo na si Rica Marie, 8, Grade 3 student. Nang makita umano ng lolo na nasusunog na ang kanilang bahay, binatak at ginising niya sa Rica Marie at ang kapatid nitong kasamang natutulog sa isang kama.
Ang sunog, ayon sa matanda, ay nasa third floor na samantalang si Rica Marie ay nasa second floor. Naibaba aniya ng mga bumbero ang bata ngunit ito’y patay na.
Ayon kay Mariveles BFP chief, Fire Inspector Geronimo Valdez, nakatanggap sila ng tawag na may sunog sa Laya Street ngBarangay Poblacion alas-12:34 ng madaling-araw ng Sabado.
Ayon sa pagtaya ng BFP, nag-iwan ng pinsala ang naturang sunog sa mga ari-arian ng halagang P210,000. Kasalukuyan pa umanong sinusuri kung ano ang dahilan ng sunog.