Fernando, firework manufacturers umapela sa pangulo kaugnay ng total ban sa pyrotechnic

BULACAN- Sinuyod at nagsagawa ng ocular inspection si Bulacan Governor Daniel Fernando kasama ang mga kawani ng Pyrotechnic Regulatory Board (PRB)  sa mga fireworks and firecracker stalls sa bahagi ng  Barangay Turo sa bayan ng Bocaue na tinaguriang fireworks capital city sa bansa upang matiyak kung ang mga ito ay sumusunod sa rules and regulations sa nakasaad sa Executive Order No. 28 at Republic Act No. 7183 sa kabila ng patuloy na umiiral na COVID-19 pandemic nitong Miyerkoles ng umaga.

Kasabay nito ay nanawagan ang gobernador kasama sina Bocaue Mayor Jose Santiago at Engr. Celso Cruz, Chairman Emeritus of the Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Assiciation Inc.  (PPMDAI) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na huwag na sanang ipatupad ang total ban sa industriya ng paputok.

“Itong industriya ng paputok ay source ng kabuhayan ng maraming pamilya hindi lamang sa Bulacan, maraming kababayan natin ang maaapektuhan at mawawalan ng kabuhayan kapag ipinatupad ang total ban kaya po patuloy tayo na nanawagan kay Pangulong Duterte na i-regulate lang ang batas at huwag ang total ban,” pahayag ni Fernando.

Sana aniya ay pakinggan sila ng pangulo at pag-aralan mabuti ang naturang usapin na nangangailangan lang ng total prohibition dahil daang-libong katao na umaasa rito ang lubhang maaapektuhan kung tuluyang papatayin ang industriya ng paputok, pahayag ni Fernando.

Maging si Senador Joel Villanueva ay tutol din sa total ban kung saan nagpahayag ito ng suporta kay Fernando at sa mga magpuputok sa kanilang apela na huwag nang ituloy ni Pangulong Duterte ang nationwide ban sa paputok next year.“Kung mayroon mang problema sa regulasyon hindi ang total ban ang kasagutan, There has to be a deeper study before we decide on regulating or banning firecrackers,” ayon kay Villanueva, Senate Committee Chair on labor, employment and human resources development.Binisita ni Fernando kasama ang PRB  bodies na kinabibilangan ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc. (PPMDAI), Philippine Fireworks Association, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) Bureau of Fire and Protection (BFP), Local Government Unit  (LGU) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga tindahan ng paputok sa Boacaue at isa na rito ang  Dong-Dings Fireworks sa Barangay Turo.

Ayon sa gobernador,  primary objective ng naturang  inspection ay matiyak na ligtas ang publiko sa paggamit ng ano mang uri ng fireworks sa pagdiriwang ng paghihiwalay ng taon.

Tiniyak din ni Fernando na nasusunod pa rin ang health protocols and guidelines ng IATF habang bumibili ng paputok habang umiiral ang COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Engr. Cruz, mahigit 50% ang ibinaba ng sale ng fireworks sa merkado dulot ng pagkalito ng mga publiko sa implementasyon ng total ban kung saan nasabay pa ang pandemiya.
Malaki po ang ibinagsak ng aming benta kasi nga akala ng mga tao ay bawal nang magpaputok ayon umano sa presidente,” ayon kay Annie Ding Lasan, may-ari ng Dong-Dings Fireworks.
Bagamat nagsasagawa ng ganitong uri ng inspection ay nanawagan si Fernando sa publiko na maging mapagbantay at agad na i-report sa kinauukulan ang mga illegal dealers at manufacturers na siyang nagiging dahilan ng pagbagsak ng industriya ng paputok sa lalawigan.

Ayon naman kay Bulacan Police  director PCol. Lawrence Cajipe nasa  21 ang licensed  manufacturers at  88 naman ang licensed dealers sa Bulacan ngayong taon kumpara sa  24 na manufacturers at 94 dealers last year habang tiniyak nito na aarestuhin ang mga non-compliant o ang mga tinaguriang  “kolorum”.
Nagbabala rin si Cajipe sa mga konsumer na pawang mga labeled products lamang ang bilhin na tanging sa mga legitimate fireworks sellers lamang matatagpuan.

Napagalaman pa na mula nang ipatupad ang RA 7183 at sumabay pa ang pandemic sa taong ito ay aabot sa mahigit  200,000 katao na pawang mga umaasa lamang at mga manggagawa sa mga pagawaan ng paputok ang naaapektuhan sa buong bansa.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews