4M COVID-19 vaccine ilalaan para sa bawat Bulakenyo

Pipilitin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na mabigyan ng  Covid-19 vaccine ang tinatayang apat na milyong Bulakenyo.

Ito ang naging pahayag ni Governor Daniel Fernando sakaling magkaroon na ang bansa ng bakuna laban sa Covid-19 upang matiyak na ligtas ang kaniyang mga kababayan laban sa nakamamatay na virus.

Sa panayam sa gobernador, sinabi nito na na sa tulong ng mga local government unit ng bawat lungsod at munisipalidad sa Bulacan at ayudang manggagaling sa pamahalaang nasyonal at ng Bulacan provincial government ay pipilitin nito na mabigyan ang tinatayang  4-milyong populasyon sa lalawigan ng Bulacan.

“Inaantay pa namin ang feedback from the cities and municipalities, and from the national as well para malaman namin kung ilan ang total vaccine na ia-allocate ng provincial government, pero definitely at pipilitin natin na bawat isang Bulakenyo na halos apat na milyon ay magkakaroon ng bakuna,” ayon kay Fernando.

Kamakailan ay aprubado na ang inilaang P6-bilyong budget ng kapitolyo para sa taong 2021 at dito na rin manggagaling ang share ng provincial government Bulacan sa pagbili ng bakuna kontra covid, tanging inaantay na lamang ang feedback mula sa 21 munisipalidad at 3 lungsod.

Sa kasalukuyan ayon kay Philippine vaccine czar Carlito Galvez Jr  inaantay na lamang ang resulta negosasyon sa mga vaccine companies kung alin sa mga pinagpipiliang bakuna ang gagamitin para sa bansa. Kabilang na sa mga pinagpipilian ay Novavax, AstraZeneca, Pfizer, Johnson and Johnson (Janssen Pharmaceutica), Sinovac, and Gamaleya. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews