Ika-122 taon pagkakatatag ng Unang Republika ginunita sa Bulacan

Pinangunahan ni Chairperson of the Commission on Higher Education Dr. J. Prospero de Vera III kasama ang mga Bulacan local officials sa pamumuno ni Governor Daniel Fernando ang paggunita ng Ika-122 taon ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas sa pamamagitan ng simpleng pag-aalay ng bulalak sa munumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa loob ng makasaysayang Barasoain church nitong Sabado sa gitna ng umiiral na pandemiya.

Pahayag ni De Vera, mahalaga sa higher education ang pagtatayo ng Unang Republika na siyang batayan ng kasalukuyang pamamahala kung saan ito aniya ang pundasyon ng pamahalaan ng bansa ano man ang uri ng pamahalaan mayroon ngayon.

“Hindi ito mabubuo kung hindi itinayo yung pundasyon ng konsepto ng pamamahala at pagpapalakas ng ehekutibo na bahagi ng Unang Republika kung saan siyang pundasyon ng Pamahalaang Pilipinas at konsepto ng pagpapalakas ng ehekutibo.

Aniya, may kakayanan umano ang Filipino na magtatyo ng sariling pamahalaan at hindi umano totoo na galing sa mga dayuhan ang kasalukuyang sistema ng pamahalaan.

Ayon naman kay Gov. Fernando, ang araw na ito ay hindi lamang isang gunita ng nakalipas kundi nakaukit sa puso at diwa bilang isang Bulakenyo na bahagi ng kasalukuyang umiiral ng malayang sambayanan.

“Ang diwa ng Republika ay paalala sa isang mabigat na tungkulin na maging tunay na tagapagtanggol ng karapatan ng mga mamamayan at tagapagtaguyod ng kapakanan ng lahat ng higit sa aiting sarili.

Para ito sa mga darating pang henerasyon, tayo ay mawawala sa mundong ito pero kinakailangan ang kasaysayan na ay ‘di mawala at makintal pa rin sa puso ng mga bulakenyo, ng mga Pilipino sapagkat dito sinilang ang tatlong republika, dito nag-ugat ang ating Kalayaan ,” ani Fernando.

Pinangunahan ng gobernador ang simple at maikling programa pag-aalay ng bulaklak at pagtaas ng bandila ng Pilipinas sa monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo kasama sina Vice Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, City of Malolos Mayor Gilbert Gatchalian; Vice Mayor Noel Pineda, National Historical Commission of the Philippines representative Antonia Jimenez, PCol. Lawrence Cajipe, Provincial Director-PNP Bulacan at Rev. Fr. Ronald Rey Mangon, Parochial Vicar of Barasoin Church.

Mahigpit namang ipinatupad ang mga health protocols habang isinasagawa ang pagdiriwang.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews