Binisita ng Department of Health at Research Institute for Tropical Medicine ang Mariveles District Hospital upang inspeksyunin ang Molecular Diagnostic Laboratory nito na nasa Stage 1 ng pagkuha ng lisensya.
Kasama sa mga sinuri ay ang mga dokumentong kinakailangan sa pagkuha ng lisensya at mga kagamitan para sa aktwal na testing.
Pinaalalahanan din ang paglalagay ng nararapat na gabay para sa mga health workers na madedestino rito.
Ayon kay Governor Albert Garcia, malaki ang maitutulong ng pagbubukas ng nasabing laboratoryo upang lalo pang mapablis at maging mas epektibo ang Test, Trace and Treat strategy kaugnay sa patuloy na pakikipaglaban upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19.
Makakatulong din aniya ito sa pagsasagawa ng test sa iba pang suliraning pangkalusugan gaya ng African Swine Fever, Human Immunodeficiency Virus at Leptospirosis. (CLJD/CASB-PIA 3)