21 radio equipment ibinahagi sa mga guro ng Hermosa

Personal na namahagi si Hermosa Mayor Jopet Inton ng mga kagamitan para sa pagtuturo ng mga guro sa bayan ng Hermosa, Bataan.

Ayon kay Mayor Inton, ito ay bahagi ng mga karagdagang suporta mula sa Local School Board ng Munisipalidad kung saan personal niyang ipinamahagi ang 21 recording microphones o FM transmitters na magagamit ng mga guro para sa radio-based instructions. Kasama niyang namahagi si DepEd Hermosa District Supervisor Ronnie Mendoza at mga punong-guro.

“Layunin po nito ang tulungan ang mga estudyanteng nag momodule na walang internet, ay pwede sila makinig sa pamamagitan ng radio FM sa loob ng parameter ng school. Ang radio recording na ito ay magagamit ng ating mga guro para sa distance learning ng ating mga mag-aaral,” pahayag ni Mayor Inton.

Tiniyak din ng Alkalde na patuloy ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa para sa mga guro at mga mag-aaral may pandemya man o wala.

Bukod sa mga radio gadgets na ito, nauna nang namahagi si Mayor Jopet ng 24 copier machines at 12 libong reams ng bond papers sa mga public schools ng bayan ng Hermosa. | MHIKE CIGARAL 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews