Youth, parents tumanggap ng ELCAC support mula sa Bulacan gov’t at PRO3

Bilang tugon sa mga programa ng gobyerno at sa adbokasiya ng Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC) , sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Police Regional Office 3 (PRO3) ang mga kabataan at mga magulang mula sa bayan ng Norzagaray upang hindi malinlang at maakit ng mga rebelde at terorista.

Pinangunahan ng mga kasapi ng PRO3’s “Kabataang Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at ng  Damayang Filipino Movement Inc. (DFMI), isang civic organization na binuo ni Governor Daniel Fernando ang isinagawang livelihood training and seminar on peace para sa mga kabataan at mga magulang na ginanap sa Barangay Matictic, Norzagaray nitong nakaraang Biyernes.

Ang nasabing activity ay upang  mabigyan ng pagkakataong makapagbago o maisaayos ang pamumuhay ng kabataan sa pamamagitan ng livelihood training and seminar para sa kapayapaan.

Umabot sa 40 participants ang dumating mula sa ibat-ibang barangay upang lumahok sa  Seminar on Peace, Leadership and Community Development and the Livelihood Training Program na iorganisa ni Governor Fernando, ang kaniyang  DFMI katuwang ang PNP KKDAT-Region 3.

Pinangasiwaan nina KKDAT Adviser and Damayang Filipino Kabataan Chairperson Jose Mari M. Garcia at DFMI Chairperson Wilfredo V. Santiago ang pagpapaliwanag at dayalogo para hindi mahikayat ng mga rebelde ang mga kabataan kasabay ng pagtulong sa mga magulang nito sa pamamagitan ng livelihood training para makatulong makaahon sa hirap.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing programa ay si Ms. Honey Flores, representative of Gov. Fernando at executive assistant from the Provincial Government of Bulacan, barangay officials,  DFMI facilitators at coordinators.   

“These activities which are in line with Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC) advocacy are also in support to President Duterte’s stand against terrorism, Bulacan Governor Daniel Fernando’s program Damayang Filipino and PNP’s advocacy: Kakampi Mo Laban sa Pandemya, Ilegal na Droga, Kurapsyon, at Terorismo,” ayon kay PRO3 director PBGen. Valeriano De Leon.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews