605 health workers sa Bulacan, kumpleto na ang 2nd dose ng bakuna

Umabot na sa 605 health workers sa Bulacan ang nakakumpleto na ng kanilang ikalawang dose ng bakuna upang magbigay proteksyon laban sa COVID-19.

Sa ginanap na pagpupulong ng Provincial Task Force on COVID-19, iniulat ni Response and Vaccine Cluster Head Hjordis Marushka Celis na bukod dito ay may 22,603 Bulakenyo na ang tumanggap ng unang dose ng bakuna.

Dagdag pa ni Celis, nakapagsagawa na ang mga laboratoryo sa lalawigan ng 70,561 swab tests kung saan 16 porsyento ang positivity rate o 11,083. 

Samantala, patuloy na nanawagan si Gobernador Daniel Fernando sa kanyang mga kapwa lingkod bayan na maging mapanuri sa pinanggagalingan ng tamang impormasyon para sa kapakinabangan ng lahat ng Bulakenyo.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews