Gate na gawa sa mga lumang bahagi ng makinang panahi, bagong atraksyon sa Bayan ng Orani

Kakaibang gate na gawa sa mga lumang bahagi o parts ng mga old sewing machines ang nakakapukaw ngayon ng pansin ng mga dumadaan sa isang barangay sa bayan ng Orani, Bataan.

Matatagpuan ito sa No. 11 Barangay Pantalang Bago ng naturang bayan, malapit sa concignacion at pag- aari ni Rod Aris Reyes Lopez, revenue collector sa Orani Public Market.

“Idea and design ko po yan. Mahilig ako mag-collect ng mga lumang kagamitan. Dapat po sana ilalagay ko sa ibabaw ng bakod namin kaso nag iba ng plan,” sabi pa ni Lopez nang makapanayam ko via Messenger.

Ayon kay Rod, limang araw niyang ginawa ito sa tulong ng isang welder.

“Nakolekta ko ang mga lumang sewing machines, yung iba binigay, yung iba binili ko sa junk shops,” dagdag pa ni Rod.

Humakot ng maraming likes, comments at shares nang ipost ito ni Lopez sa kanyang Facebook account.

Maging sila Bataan Vice Governor Cris Garcia, BM Bong Galicia at Brgy. Mulawin first lady, Cathy Dela Cruz ay hindi napigilang mapa-wow sa kakaibang gate ni Lopez.

Ayon pa kay Rod, may ilang mga dumadaan sa harapan ng kanyang gate ang nagpakuha ng pictures habang ang ilan ay nag-selfie pa!  

Inaasahang magiging dagdag atraksyon ito sa bayan ng Orani lalo na aniya ay nakatakdang pagandahin ang kanilang concignacion.

“Actually hindi pa siya tapos, lalagyan ko pa siya ng lumang Coleman na solar powered sa dalawang poste sa gilid para hindi na gumamit ng langis,” ani Rod Lopez.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews