Calaguiman Bridge sa Samal, malapit nang matapos

Puspusan na ang paggawa sa Calaguiman Bridge sa bayan ng Samal, Bataan upang ito ay matapos hindi lamang ayon sa nakasaad target date sa kontrata, kundi para magamit na kaagad ng mga dumadaan dito lalo na ng mga motorista.

Ito ang tiniyak ni Samal Mayor Aida Macalinao sa isang interview at aniya, hindi ito matutulad sa unang tulay na ginawa dito na inabot ng halos dalawang taon at labis na nagpahirap sa mga mamamayan at mga motorista.

Sinabi ito ng Alkalde upang pawiin ang pangamba ng marami lalo na ng mga Samaleño na siyang pangunahing dumaraan dito.

Siniguro rin kamakailan ni Engr. Emil Adraneda, Project Engineer ng Orani Builders na siyang contractor ng proyekto, na hindi mababalam ang target completion date ng tulay na ito sa darating na Hunyo ng kasalukuyang taon. Nagkakahalaga ang proyektong ito ng P47,968,146.

Ayon naman kay DPWH Engr. Nelson Rodriguez, mahigpit na minomonitor at binabantayan ng DPWH ang construction ng tulay na ito upang matiyak na tama ang kalidad ng materyales na  ginagamit dito. Gusto din nilang masiguro na ito ay matatapos sa itinakdang panahon. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews