Sinimulan na ang pag-iinstall o paglalagay ng mga Barangay Paging Systems sa lahat ng barangays sa bayan ng Abucay, Bataan.
Ito ay proyektong handog ng LOVE TERI Foundation para sa lahat ng mga Barangay sa Abucay na kinabibilangan ng Barangay Salian, Barangay Calaylayan, Barangay Gabon, Barangay Laon, Barangay Omboy, Barangay Bangkal, Barangay Capitangan, Barangay Wawa at Barangay Mabatang.
“Ito po ay para sa ating mga mamamayan bilang tagapagpabatid nang lahat ng mga impormasyon at panawagan ng Pamahalaan lalo na ngayon sa kinakaharap nating pandemya, sa pamamagitan po nito maiiwasan ang pagtitipon at sa paggamit ng Paging System ay mabilis na maipararating ang mga Safety Health Protocols laban sa COVID-19,” pahayag ni former Abucay Vice Mayor at former Provincial Board Member Dexter “Teri Onor” Dominguez.
Ayon pa ni Bokal Teri, layunin ng proyektong na mahalagang magamit hindi lamang sa panahon ng pandemya pati na rin sa pagdating ng mga kalamidad, sakuna at mga hindi inaasahang pangyayari. Sa pamamagitan aniya nito ay mabilis na mai-anunsyo ng barangay ang mga mahahalagang paalala at babala sa kanilang mga mamamayan.
“Bahagi po ng mga programa ng #LOVETERI ang patuloy na pagtalima kasama ang Pamahalaang Bayan ng Abucay at bawat Sangguniang Barangay sa panawagan na maging handa tayo at maging alerto at walang kabang haharapin ang hamon ng kalikasan,” dagdag pa ni Bokal Teri.
Nagpasalamat din si Dominguez sa Ama ng Lalawigan na si Bataan Governor Abet Garcia, Bataan 1st District Congresswoman Geraldine Roman, Bataan 2nd District Congressman Joet Garcia, Abucay Mayor Liberato P. Santiago Jr., Municipal Administrator Engr. Estoy Vergara at Abucay SB Members na sina Konsehal Edwin Bernales, Kons. Dante Magtanong Baluyot, Kons. Mer Canare, ABC Mae Dela Fuente Morales, SK President Ellimac Magtanong at mga barangay officials sa kanilang pagbibigay pahintulot na maisakatuparan ang proyektong ito.