Duterte ginunita ang Ika-123 Araw ng Kalayaan sa Bulacan

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Sa ikalawang pagkakataon ay isinagawa sa lalawigan ng Bulacan ang simple ngunit makabuluhan at makasaysayang pagdiriwang ng Ika-123 taon ng deklarasyon ng Araw ng Kalayaan na mayroong paghihigpit dahil sa pandemiya dulot ng patuloy na pakikibaka ng bansa sa COVID-19.

Nitong Sabado (June 12, 2021) ay binisita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lalawigan ng Bulacan kung saan sa pagkakataong ito ay unang beses isinagawa ang selebrasyon ng paggunita sa proklamasyon ng Philippine Independence sa pangunguna ng presidente sa provincial capitol ng Bulacan sa Barangay Guinhawa sa Lungsod ng Malolos.

Ito rin ang ikalawang beses na dumalo sa isang Independence Day observance ang Pangulo mula nang manungkulan bilang pangulo noong 2016.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paggunita sa Ika-123 taong anibersaryo ng deklarasyon ng Araw ng Kalayaan kasama ang mga lokal na opisyal sa pangunguna naman nina Governor Daniel Fernando at Vice Governor Willy Sy-Alvarado na ginanap sa harap ng Bulacan Provincial Capitol sa monumento ni Marcelo H. Del Pilar nitong Sabado. Nauna rito, ay isinagawa rin ang paggunita sa monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Barasoain church ng mga Bulacan local officials. Photos ERICK SILVERIO

Pinangunahan ni Duterte ang flag raising ceremony at pag-awit ng National Anthem at pagkaraan ay nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Marcelo H. Del Pilar kasama ang mga lokal na opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando at Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado.

Kasunod ng wreath-laying ay isinagawa naman ang pagkakaloob ng “Order of Lapu-lapu” sa mga descendants ni Marcelo H. Del Pilar and Gen. Gregorio Del Pilar na tinanggap ng 2nd-generation na pamangkin na si Maria Del Pilar-Santos.

Kabilang rin sa mga dumalo ay sina Senator Lawrence “Bong” Go, Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, Bulacan Representatives, Bulacan City and Municipal Mayors at si PNP Chief Police General Guillermo Eleazar.

“Saludo ako sa ating mga kababayang bayani, these two sons of Bulacan continue to inspire succeeding generation of Filipinos, should cherish the liberties and freedoms that they blend and hope for, I therefore consider it in great honor to bestow upon them through their kin who are with us today the Order of Lapu Lapu in recognition of their extra ordinary acts and heroism that serve as the foundation of this nation.”

“On behalf of the Filipino people allow me to convey our heartfelt gratitude to Gen. Gregorio H. Del Pilar and Marcelo H. Del Pilar, Marami pong salamat sa inyong dalawa!,” ayon kay Duterte.
Inihayag din ng pangulo ang planong pagpapatayo ng “Wall of Heroes” sa Libingan ng mga Bayani kung saan ilalagay sa shrine’s wall ang pangalan ng mga medical front liners na nasawi sa Covid-19.
Nauna rito, isinagawa muna dakong umaga ang kahalintulad na paggunita sa Araw ng Kalayaan na pinangunahan ni Gob. Fernando at ibang lokal na opisyal kasama si  Rosario Sapitan, chief administrative officer of the National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa makasaysayang simbahan ng Barasoain Church sa monumento ni Gen. Emilio Aguinaldo, ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Sa nasabing okasyon na mayroong temang “Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan” ay limitado lamang ang pinayagang makapasok sa Barasoain Church dahil sa mahigpit napagpapatupad ng standard health protocol guidance dulot ng pandemic. 
Kinilala ni Gob. Fernando ang partisipasyon ng mga medical and health front liners bilang kasalukuyang bayani sa laban ng bansa kontra COVID-19 
“Inaaalay natin ang pagdiriwang na ito sa mga bayani na ipinaglaban ang ating kasarinlan sa mga mananakop at sa mga buhay na bayani ngayon, ang mga medical at volunteer front liners na patuloy na lumalaban sa kalabang hindi nakikita,” ani Fernando.

Pinasalamatan din ng gobernador si Pangulong Duterte sa pagpili nito na sa lalawigan ng Bulacan gunitain ang Araw ng Kalayaan sa taong ito.
“Maraming salamat mahal naming Pangulo dahil napili ninyo ang aming lalawigan na dito gunitain ang araw ng kasarinlan at pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa kauna-unahang pagkakakataon,” pahayag ni Fernando.

Magugunita na sa araw na ito taong 1898, idineklara ng unang presidente ng Republika ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo ang Araw ng Kalayaan sa kaniyang ancestral house sa Kawit.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews