Fernando, nanguna sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Barasoain

LUNGSOD NG MALOLOS — Pinangunahan ni Gobernador Daniel Fernando ang pagdiriwang ng ng Ika-123 Taong Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa simbahan ng Barasoain sa Malolos.

Pinangunahan ni Gobernador Daniel Fernando ang pagdiriwang ng ng Ika-123 Taong Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa simbahan ng Barasoain sa Malolos. (Shane F. Velasco/PIA 3)

Kinatampukan ito ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Pangulong Emilio Aguinaldo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Fernando na unti-unti na tayong lumalaya sa pandemya dahil sa patuloy na pagbabakuna laban sa COVID-19. 

Umaasa siyang mas magiging mainam na ang sitwasyon sa Bulacan at sa buong bansa sa susunod na taon dahil sa pagdagsa na ng mga bagong suplay ng bakuna. 

Ang pagdiriwang ngayong taon ay nakasentro sa temang  “Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan”.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews