Mahigit 8K Pfizer vaccines dumating na sa Bataan

Nasa 8,772 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines ang dumating sa lalawigan ng Bataan mula sa Department of Health.

Ayon kay Bataan Governor Abet Garcia, ang kabuuang 7,020 single doses ay tinanggap ng Provincial Health Office at ipinamahagi sa ilang inoculation sites sa 11 bayan ng lalawigan habang ang bukod na 1,752 single doses ay para naman sa mga inoculation sites na nasa pamamahala ng Balanga City Health Office.

Dagdag pa ni Governor Garcia, ang mga bakunang ito ay nakalaan para sa first dose ng mga nabibilang sa Priority Groups A1, A2 at A3.

Samantala, alinsunod sa Emergency Use Authorization para sa Pfizer-BioNTech vaccines, ang mga may edad 16 at 17 ay maaari nang makatanggap ng nasabing bakuna kung sila ay nabibilang sa Priority Group A3 at dapat aniya ay kasama nila ang kanilang magulang sa araw ng pagbabakuna.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay Garcia, nananatiling bukas ang Bataan People’s Center, Vista Mall-Bataan, at mga inoculation sites sa buong lalawigan upang mas marami ang bilang ng Bataenyo na mababakunahan dito sa Bataan.

Muling nanawagan ng kooperasyon at pakikiisa si Governor Garcia para aniya sa layunin na agarang makamit ng Bataan ang herd immunity upang tuluyan na mapagtagumpayan ang COVID-19.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews