Pag-iibayuhin ng Bulacan Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 ang implementasyon ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy makaraang makapagtala ng dalawang kaso ng COVID-19 Delta variant sa nasabing lalawigan na parehong Overseas Filipino Workers (OFWs) .
Ang nasabing delta variant ay inanusyo ni Governor Daniel Fernando nitong Biyernes base sa report ni PTF Response Cluster Head Dr. Hjordis Marushka Celis kung saan ang 2 kaso ay mula sa mga bayan ng San Ildefonso at Sta Maria.
Sa pahayag ni Ferando, ang delta variant positive sa San Ildefonso ay fully recovered na matapos sumailalim sa home quarantine habang ang taga Sta Maria naman na asymptomatic ay kasalukuyang naka-quarantine. sila ay kapwa mga OFWs.
“Nagsasagawa na tayo ngayon ng paghahanda sa Delta variant na kailangan po ay maging overacting tayo. Kasi kailangan natin magbantay dahil mas maganda na ang maagap kesa doon sa masipag. Hindi na dapat pagtagalin pa. Nandyan na, bantayan na natin ng todo,” ani Fernando.
Naniniwala ang gobernador na ang probinsiya ay maganda ang isinasagawag COVID response at nais nito na palakasin pa ang mga inilatag na stratehiya dahil ang Delta variant ang siyang most transmissible version ng SARS-COV2.
“Kung pagbabatayan ang datos sa ibang lalawigan, I am convinced that we are doing a great job here in the province. Nananatiling pinakamababa ang ating lalawigan pagdating sa active cases,” sabi ng gobernador.
Nais nito na maging proactive ang mga local unit sa mga munisipalidad bilang karagdagang pagsugpo na ginagawa ng provincial task force kasabay ng patuloy na pagpapaalala sa Bulakenyo na mahigpit na ipatupad ang minimum health standard protocols.
Nabatid na bukod sa mass vaccination sa province’s vaccination center sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, ang provincial government ay nagsasagawa rin ng accelerated vaccine roll-out sa pamamagitan ng mobile vaccine clinic kung saan bumababa sila sa mga barangay para maiparating ang pagbabakuna.
Sabi pa ng gobernador ang ginagawa ngayon ng provincial government upang mapigilan ang posibleng pagkalat muli ng virus ay mag-focus sa pagtitiyak na ang healthcare system ay handa kaugnay ng community quarantine classification.
“Speeding up vaccination rollout should be an utmost priority especially for senior citizens and persons with underlying conditions because if they remain unvaccinated, they will continue to be at risk of severe COVID-19 or hospitalization,” dagdag ni Fernando.
Magugunita na ang lalawigan ng Bulacan kasama ang mga probinsiya ng Cavite, Laguna at Rizal gayundin ang buong Metro Manila ay isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions simula sa August 1-15, 2021.