Umabot sa 163,634 pamilya o 551,432 persons ang naapektuhan ng Habagat o Southwest Monsoon sa Central Luzon.
Ito ang latest update mula sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDMMC Region 3 as of July 30, 2021 ngayong umaga.
Sa mga flooded o binahang barangays sa buong rehiyon ay nakapagtala ng 242. Sa naturang bilang 30 barangays sa Bataan ang binaha, 72 sa Bulacan, 120 sa Pampanga, 17 sa Zambales at 3 sa Tarlac).
Samantala, 4 na LGUs ang nagdeklara ng state of calamity, 2 sa Bataan (Balanga City at Dinalupihan) at 2 sa Pampanga.
Sa mga naapektuhang kalsada ay nakapagtala ang RDRRMC 3 ng 15 road sections na not passable 10 dito ang sa Bataan, 4 sa Pampanga at 1 sa Nueva Ecija.
Sa mga nasirang bahay, 1 ang naitalang totally damaged sa Bataan at 1 sa Bulacan habang 4 naman na partially damaged houses ang naitala sa Rehiyon- Bataan 1, Pampanga 2, at Zambales 1.
Sa mga naitala namang suspension of works and classes, sa buong probinsiya ng Bataan ay suspendido ang pasok sa trabaho sa pampubliko at pribadong mga kumpanya at suspended din ang pasok sa public and private schools sa lahat ng antas maging ito ay online, blended o modular classes. Sa Zambales ay nag-isyu din ng suspension of work sa public and private offices sa 13 bayan habang isang bayan naman sa Pampanga.
Wala naman naiulat na nasaktan, nawawala o namatay.