Kaso ng COVID-19 sa Bataan mahigit 2 llibo na; probinsiya isasailalim sa ECQ

LUMAMPAS na sa dalawang libo ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Bataan.

Ayon sa latest update ni Bataan Governor Abet Garcia, as of August 3, 2021, pumalo na sa 2,017 ang active cases ng COVID-19 sa buong probinsya.

Pito naman dito ang panibagong death cases kaya’t umakyat na sa 503 ang bilang ng mga Bataeñong binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Dahil sa patuloy na paglobo ng active cases sa Bataan ay nagpasya ang Bataan IATF na isailalim sa Enhanced Community Quarantine ang buong probinsiya at ipapatupad ito kapag inaprubahan na ito ng National IATF on Emerging Infectious Diseases.

Samantala, umabot na sa 96,157 ang bilang ng
mga Bataeño ang fully vaccinated kontra COVID-19, at 109,278 ang naturukan na ng 1st dose.

Nitong Lunes at Martes ay binuksan na rin ang ika-20 at 21 vaccination sites sa Bataan. Ito ay ang SMC Ligtas Lahat vaccination site na matatagpuan sa Peninsula School sa Limay na kasalukuyang nagbibigay serbisyo sa mga manggagawa ng Petron at San Miguel Corporation (SMC). Ang 1Bataan San Carlos COVID-19 Vaccination Center naman na matatagpuan sa bagong Health Center ng Brgy. San Carlos sa Mariveles, ay nagbabakuna na ng mga nabibilang sa Priority Groups A1-A4 na taga-Brgy. San Carlos.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews